Friday, September 14, 2012

Walang title 1


Prologue.

Ang sarap mainlove no, masaya at kinikilig ka dahil dyan.

Pero pano ka makakapag move on sa past mo kung minahal mo sya ng Sobra? Eh pinusta ka lang naman niya sa pera. Anong gagawin mo? Maghahanap ng panakip butas para diyan?

What if kung may nainlove sayong Nerd? na nagbago pa para lang sayo. Kaso bestfriend lang pala ang tingin mo sa kanya.

And the awkward feeling ay yung dumating na sa Pinas yung closest bestfriend ng taong mahal mo? Magkakaron pa kaya siya ng time for you? SOON.

Please Read This. Thanks. :)

Chapter 1.
*The Meet Up*

Pauline's POV.
Hi, Im Pauline. Pauline Michelle Reyes from Lucena City. 16. First year College sa Kingdom Academy. Mabait, Simple manamit, Magaling kumanta. Tambak naman sa pag sayaw. Hahaha. September 17 bday ko. Wala lang. Gusto ko lang ishare. :) Magaling sa sports. Ahmm.. Ano pa ba? LOVE? Ano yun, nakakain ba yon? Joke. Ang bitter no?

Kasi ganito yon, nainlove na nga ako dati e, pero pusta lang pala yon. Minahal ko yung lalaki na yon, SOBRA pa nga e. Kaso nung times na yun, Pinusta lang pala niya ako sa mga kaibigan niya para bigyan siya ng 1M na pera. Mas gugustohin pa pala niya yung pera kesa sa aming kaligayahan. Di ko nga alam na magagawa niya sakin yun e, Ang sakit sakit kaya. Kala ko mahal niya ko, yun pala hindi. yun pala pusta lang pala ang kanyang habol.

Kaya ngayon, di muna ako magmamahal muli. Masakit parin para sakin ang nangyari after lahat ng mangyari samin ni...

Jiro.

***

Sa campus. First day.

Habang naglalakad ako sa corridor, may nagmamadaling tumakbo na babae. Nabunggo ko tuloy. Bat ba kasi tumatakbo siya? *Sigh* Tss.
Nung tiningnan ko yung girl, parang pamilyar siya saken.
"Miss, okey ka lang? Sorry ha. Ang bilis mo kasing tumakbo e."
Habang tinutulungan kong pulutin yung gamit niya.
Nung tumingin na siya...

"Kasi, wag ka ring haharang-harang sa---- Best, ikaw na ba yan? Pasensya na ha. Kala ko kung sino na yung tanga na yun. Hahaha. Joke langggg best. Ang ganda mo parin. Haha. Tingnan mo nga naman si tadhana. Meaning nun, pinagtagpo talaga tayo hanggang college? Wow Best, Imissyou." ah, akala ko kung sino na. yun pala, si best lang pala. ninerbyos talaga ko nun. haha. pakilala ko si best sa inyo. Oh, Ayan. si Naomi, bestfriend ko since elementary pa. tibay ng pagkakaibigan namin no? hanggang college pa kamo. Hahaha. Love na love ko yang gagang yan. Namiss ko yang bestfriend ko.
"Ay, hindi. Hindi ako to, bestplen. Hahahaha. I miss you too so much Naomi Hazel Dela Cruz! Oha, alam na alam ko pa fullname mo. Hahaha. Ikaw rin, gumanda ka lalo. Dati kasi mukha kang manang lang. HAHA. Joke lang bestplen. Alam ko namang di ko magagawang saktan ka. Love kita e. :-*."
"Ginaganyan mo na ko ngayon ha. Sus. Gusto mo bang sabihan ko ulit yung past mo? Hahahaha. Joke lang. Baka magalit ka pa eh. Labyowtoo best." luka niya. subukan lang niya ulit sabihin yung past ko, jojombagin ko yan! kahit bestfriend ko pa yan! nakooo Naomi! Jusko!
"Oh, wait nga lang. Ano ba course mo dito ha best?" tanong ko.
"Ahmm.. HRM. Ikaw ba bes?"
"HRM? Eh yung din yung kurso ko e. Eh anong block ka dito?
"Block 4 A. Ikaw?"
"Ganun din. Tara na nga Naomi. Baka malate pa tayo." :)

Sa classroom.
Hay, ang ingay naman dito sa loob. *sigh* Kitang kita nyo naman sa kanila na excited na excited sa first day. Yung iba parang sampung taong di nagkita. Tili ng tili. Yung iba naman, parang wala lang, iba sa kanila nagbabasa lang ng mga libro. At iba sa kanila, feeling ko ang tatalino. Yung iba naman, pinagkakaguluhan yung mga gwapong boys. Hayy, mga babae talaga. Aral muna uy~!

"Oy, best. Tara na, upo na tayo. Ayan na si prof. Magsisimula na." ok, makaupo na nga. syempre, tabi muna kami ni Naomi. Ang alam ko kasi, mag seating arrangement din after ng chorva chorva. Siguro next week. Ay, ewan ko ba.

Boooooooooringggg naman. Puro pagluluto lang ang lesson. Syempre, alangan namang Math, magtaka ka kung merong nasingit na Math sa lesson niyong "Culinary Arts".

Magkekwento na lang kaya ako.. Ah, sige. Habang nagkaklase si Sir Cuevas. Tungkol saan? Sige na nga, tungkol kung bakit kami naging mag bestfriend ni Naomi.

*flashback*

9 years ago.
Grade 2 pa lang ako nun, ni isa wala akong kaibigan. Oo, aminin ko LONER ako.

One day,
May nakita akong bata na binubully sa garden ng school namin. Nilapitan ko yun. Kawawa naman yung bata, Iyak ng iyak.

"Hoy kayong mga lalaki, anong ginagawa niyo sa kanya? Umalis na nga kayo! Tignan nyo oh, iyak na ng iyak yung bata. Chupi! Alis na sabi ehh. Hoy---- Grrrrrr." wow. galing kong umacting no? haha. bigla ko kasing kinagat yung mga braso nila!
"Aray! Aray! Sino ka bang babaeng chismosa dito? Eh ano naman sayo kung binubully namin tong bata na to? Wala kang paki." sabi nung mga bakulaw na lalake. siguro grade 6 sila. Ang yayabang nila. Pati bata, pinapatulan.
"Gusto niyong kagatin ko ulit yung mga braso niyo? Chupiiiiiii! Alis na nga sabi e! Mga salbahe kayo, sumbong ko kayo sa teacher ko." Iiyak na ko e, syempre acting lang, kaso may umepal na lalaki. Sino ba to? Ang cute naman niya. Grade 3 siguro.
Nung dumating yung batang lalake, tumakbo na yung mga salbaheng lalake, siguro natakot sakin. Hihihihi. Galing ko no?
"Bata, bata. Ayos ka lang? Wag ka ng umiyak, di bagay sayo. Maganda ka pa naman, katulad ko. Hihihi. Biro lang. Uy, ala na yung mga lalaki, natakot kasi sakin! Hihihi." sabi ko dun sa batang babae na umiiyak.
"Uy, *huk* thank you sa tulong ha. *huk* Gusto mo ba, sabay na tayong mag recess?" ang cute niya talaga.
"Ah. Wala lang yon. Ah. Sige. Wait lang, ano nga pala name mo, bata?"
"Naomi Hazel Dela Cruz. Ikaw? Nice too meet you. :)" ahh, Naomi pala name niya, ang cute.
"Pauline. Pauline Michelle Reyes. Shake hands tayo. Hihi. Nice too meet you too Nahhh--yu--mi." hihihi. di ko mabigkas name niya e.
"Simula ngayon, bestfriend na kita ha. Tara, sabay na tayo Pauline." smiling face pa sya. :"")
"Sige ba. Hihihi. Ah wait lang, di mo kilala yung batang lalaki na yun?" napatingin kasi ako sa direksyon ng batang lalake. oo nga pala, siya yung umepal kanina. ah, kaya siguro tumakbo yung mga bakulaw na lalake, kasi babatuhin nung bata. hihihi. mga duwag pala sila e.
"Ah, si Jiro. Classmate ko. kaso di ko sya close e. Ikaw, kilala mo?" Jiro pala name nun.
"Di ko nga siya kilala e, lapitan kaya natin? Mag thank you tayo." yan na lang sinabi ko.
"Ay, sige na nga." ayaw pa ata niya e.

Lumapit kami dun sa bata este kay Jiro.

"Hi. Im Pauline. Thank you sa pagtulong kay Nayumi ha." sabi ko dun kay Jiro. Bat parang di namamansin? Weird nya.
"Ok lang yun. Im Jiro. Sige, alis na ko." tapos ngumiti pa sya. Pogi nya. Crush ko na ata. Hihihi. Joke.

Tuluyang umalis na si Jiro. Nakapabulsa pa eh. Hihihi.

*end of flashback*

"Ms. Velasco, are you listening to my discussion?" nakatulog pala ako. Tss. Napaginipan ko na naman siya. Aish.
"Yes sir......Sir, can I go to the Restroom?" Yan na lang nasabi ko.
"Okay. You may go now!" sabi ng prof ko.
"Thank you sir!" aish, Bat ba ganito ako, tuwing naiisip ko yun?

Sa Restroom.

"Napanaginipan mo na naman ba siya?" nagulat ako dun. bigla biglang sumusulpot.
"Ay, leche ka Best. Kala ko kung ano na. Kabute ka ba? Pasulpot sulpot ka e. Nagulat ako dun."
"Ay nako best. Siguro di mo parin sya makalimutan no? Kaso nga lang, niloko ka lang niya." galit sya?
"Ahmm... Best, ayoko na. Ayoko na sabi e. Oo, aminin ko, di ko makalimutan kahit pusta lang ang lahat. Ewan ko ba sa sarili ko, Ako na ata yung napakatangang umibig sa lalaking yun? Ako yung babaeng nagpaloko lang sa wala. Ang tanga ko pala. Tanga tanga ko. First time ko kasing mainlove nun e. Kaya binuhos ko na lahat kay--- Tss. Wag na nga lang. Baka umiyak pa ko ng hagulgol dito." umiiyak na pala ko.
"Ay, besplen, wag ka na ngang EMO. Di bagay sayo! Tama na nga iyak. Makakamove on ka rin, Tiwala lang." Buti andito sya para iconfort ako. buti may bestfriend akong tunay. :)

Sa Cafeteria.

Naomi's POV
"Oy, best, wag ka ng Emo dyan ha! Gutom lang yan. Kumain ka na nga. Bahala ka, baka mamaya kainin ko pa yan, Sige ka." tulaley pa rin kasi si besplen.

Alam mo ba kasi yung feeling niya? Ang sakit kaya na saktan ka ng taong mahal mo. Kung sakin ginawa yun? Sus. Ipapapatay ko yung taong yun. Sakit sagad sa buto. E sobra mo pang minahal. Kaya nung iniwan ni Jiro si Pauline. laging haggard yung mukha niya. Di na siya pumapasok, kumakain. Ah basta. Ayoko ng ikwento. Nagcacancer pa nga yang babae na yan e kaso lagi na lang tulala. Pati pag aaral niya, lahat BAGSAK. Buti bumawi nung nauntog sa pader...........Joke. Buti bumawi nung nagising na lang sa katotohanan. Tindi kasing mainlove ni Pauline dyan sa Jiro na yan e. Ano bang meron si Jiro? Halos lahat ng buhay ni Pauline, binigay na. Kulang na lang yung kaluluwa nito. Tss.

Kausapin ko na nga to.

Back to reality.

"Oy, best. Tama na nga sabi e. Mapapanis laway ko sayo. Ay, ewan ko sayo. Iwanan kaya kita dyan?" nakakasora na kasi e, uugatin na ko dito. tulala parin kase.
"Ahhh, Sorry bess. *sigh* wag na nga. Okey na ko. Alam mo bess, kapag bumalik yun dito sa Pinas, lahat gagawin ko....ipapapulis ko siya, ipapakulong, at higit sa lahat ipapapatay. masama na kung masama. aish. nakakainis talaga siya. Okey. Ayoko na nga. Sumosobra na ko sa pagiging madrama ko."
"Ang OA mo ha. Lahat gagawin mo yun?"

Nagjojoke ba siya? Ah, wait.
Nagtataka kayo no, kung ano yung sinasabi ni Bess na kapag daw bumalik dito sa Pinas si Jiro...

Kasi ganto yun, nung times na iniwan ni Jiro si Pauline sa ere, di nagpapaalam ang loko, aalis na din. Gago siya no? After pagpustahin, iiwan naman? Tangina niya with feelings.
(lahat ng storya ng dalawa, alam na alam ko pa oh hahaha)

Tapos.....
"Ay, tara na nga best. time na rin e." change topic sya e no?
"Okey." sabi ko.

Pauline's POV.

Yey. Uwian na. Hahaha. Himala di na ko EMO. Ayoko na eh. Ganito rin ako dati, As in. Hay. Ayoko na talaga maging madrama. Promise. Mag momove on na ko talaga. Mula ngayon. :)

Habang naglalakad ako sa corridor,
(wow, parang scene lang rin nung umaga) may nakasalubong akong...

NERD?!?!

"Hi miss. Pwede ba magtanong?" sabi nung nerd. Weird. Kinakabahan ako dito sa taong 'to. tss.
"Ahmm...S-Sure!"
"San ba mahahanap dito si Naomi?" bigla akong nagulat sa sinabi niya.
"Ah,--- Teka, You mean si Naomi? Naomi Hazel Dela Cruz?" si best kaya talaga hinahanap natong isang to?
"Yup. Ganun na nga. Ba-bakit mo sya kilala d-dito?" shunga pala re e.
"Hahaha. Eh bestfriend ko yun e, Btw, siguro kanina pa yun nakauwi. Bat mo pala hinahanap?"
"Pinapamigay ng cousin niya. Si Aby. Kaibigan ako ni Naomi. Dito rin ako nag aaral." nahihiya siya sakin, i swear. nauutal pa kasi sya eh.
"We? Kaibigan mo yun? Bat parang since elem, wala siyang nababanggit na nerd na katulad mo?"
"Ah, baka nahihiya lang siya na meron syang kaibigan tulad ko. Lahat ng kaibigan ko, nahihiya na sabihin sa mga iba pa nilang kaibigan na ganito ako. Nakakahiya bang sabihin na isa akong Nerd? Diba hindi naman?" mukhang magiging kaibigan kong isang to ah. pero bat nga ganun? may bad attitude din pala si best. hay. kakausapin ko na lang sya siguro bukas. :)
"Alam mo, mahirap nga yang sitwasyon mo na yan. Kung ako man din yan, siguro ikahihiya rin nila ako. Siguro pati na rin yung sarili ko, ikakahiya ko na rin. Kasi panget yung itchura, may makapal na malalaking salamin, may braces, yung buhok, hati sa gitna. Siguro kung ako yang nasa pusisyon mo na yan, mahihiya rin akong ipagmalaki yung pagkatao ko. Ang sakit nun no, na ikinahihiya ka lang ng mga mahal mo sa buhay, pero.. wag kang susuko. Eh kung ayaw nila sayo, iwasan mo na lang. Eh kung ayaw ka nila, oras na para magbago ka ng pagkatao para mahalin ka rin nila. Ganun lang yon. Ang drama natin. Hahahaha. Wait nga lang, ano nga pala name mo? Im Pauline." haba ng speech ko, di ko pa pala kilala to, malay mo nagkukunwari lng yan. Hahaha.
"I'm Jacob. Nice too meet you Pauline!"
"Ow. Pano na to? Nakauwi na pala si Naomi? Uuwi na rin kaya ako?" habol niya.
"Ahmm. Ilagay mo na lang sa locker niya. Bukas na yan. Ahmm. Gusto mo mag mall? Tara, treat ko. Wag tumanggi, sige ka, pahihiyain kita sa campus kapag di ka pumayag."
"Ok na lang na ikahiya mo ko sa campus niyo. kailangan ko ng umuwi e. maggagabi narin." hiyang hiya siya o?
"Oy, Joke lang yung sinabi ko. Mabait akong tao no. Mula ngayon, best friend na kita. Hahaha. Tara na kasi, Mall tayo. Ice cream?"

"Sige na nga. Sandali lang tayo ha."
"Ako bahala sayo. :)"

...
Sa Ice cream Parlor.

Jacob's POV.
Hi. Joaquin Coby Diliman fullname ko.
Jacob for short. 16 na ako. October 25 bday ko. Para malaman niyo. Hahaha.Sa Kingdom Academy din nag aaral. At isa akong Nerd. Oo, yung panget, may braces, may makapal na salamin, gitna ang hati ng buhok, pero tao parin ako noh, umiibig.

Kaso niloko lang ako ng taong yon dati. Si Naomi. Ay, wag ko ng ikwento. Baka maiyak pa ko dito. Pero nakapag move on na ko, matagal na. Kaibigan ko na lng siya, kaso madalang lang kami magpansinan sa school.

Stop the past, back to present.

"Oy, Jacob. Oh, ice cream. Favorite mo rin pala yan di mo sinabe. Hahaha. Parehas tayo. :)" Ganda niya. Isa siyang anghel. :)
"T-thanks sa libre ha, Pauline." mapula na ba ko?
"Ok lang yon. Sabihin mo pa, kung ilan pa gusto mo, bibilin natin. Haha."
"Talaga? Haha. Thank you. Pero, ako pa yung napili mong kaibiganin? Marami naman dyang iba ah, bat ako pa? eh wala naman siguro akong kwenta." ewan ko kung bakit yan yung lumabas sa bibig ko.
"Sa tingin mo, bakit kita naging kaibigan? Kasi ganito yun, kahit iba yung turing ng iba sa labas mo, iba naman sa loob. Di lang ang labas yung tinitingnan nila no? Dapat yung panloob rin. Anong sinasabi mong walang kwenta ka? Hindi no. Ang bait mo nga e, siguro nagmana ka sakin. Hahaha. Joke lang. Kasi ang alam ko, sa ngayon, kailangan mo ng masasandalan. Kailangan mo ng isang kaibigan, tulad ko. Andito lang ako para sayo. Haha. Smile ka na nga dyan. :)" buti ang swerte ko, dumating sa buhay ko si....

PAULINE.

Siguro handa na ulit akong magmahal ulit.
Alam ko na rin kung knino. :)

Chapter 2.
*The nerd*

Pauline's POV.
"Uy, gising na. Uy, panget! Gising! Malalate ka na naman." habang pinipindot ni Kuya yung tagiliran ko. Si Kuya Rex.
"Ano ba, kuya? Antok pa ko. 5 minutes, babangon na ko. PRAMIS."
"San ka ba kasi nagpunta kagabi? Napuyat ka tuloy!" hala! oo nga pala! lagot ako kay mader na yan. tss.
"Nag mall lang with friend of mine!"
"Ay, friend of mine ka pang nalalaman dyan, Maligo ka na nga! 8am na o! 8:40 ang pasok mo diba?" kulit niya no?
"Oo na nga po. Babangon na. Aish." ginulo kasi yung buhok ko!

Ang bilis kong gumayak! Haha! 8:25 pa lang oh!
Habang naglalakad ako.. naalala ko na naman yung kagabi.

*flashback*

"Ahmm. Pauline, thank you talaga ha! Siguro simula bukas, may makakasama na ko sa school, yun nga lang kapag nachambahan lang kita. :)" bait niya no? ;)
"Ah, wala lang yon! Siguro, sabay ka samin bukas! Hnapin kita ha. :) Haha. Thank you for this Jacob!"
"Okey! Ingat ka."
"Sige! Ikaw rin."

*end of flashback*

Nandito na pala ko sa school. 8:34 na. Malapit na magsimula yung first subject ko. Eh kaso third floor pa yun. Leshe!

TAKBOOOOOOOOOO00! Isang hagdanan na lang. Kasi naman, bat ngayon pa nasira yung elevator? Lechugas!

"Awwww! Ouchhhhhhhh!" sino ba yung haharang harang sa dinadaan ko? Muntik na tuloy akong ma-out of balance dito sa hagdan.
"Wag ka kasing tatanga tanga, kay?!" ang sungit naman nun. tss. pasalamat sya, gwapo siya. aish.

Finally, andito na ko sa room. Wow. Sakto. 8:40! Galing ko no? Hahahaha. Phew! Kahingal!

"Ms. Reyes, youre late!"

Late pa ko nun sa lagay na yun? Tss. Ka BV ohhh.

"Mam, sorry. kasi po sira po yung elevator."
"Ano namang konek nung elevator sa pagkalate mo?"
"Mam, di na po mauulit. Sorry Mam"

...

"Aray, ano ba yun? May nambabato pa ng papel. Tss." sabi ko sa sarili ko.

Binasa ko na lang yung nakalagay dun.

Hi Pauline. Guess who? Oy, bakit ka late? :)

Nagsulat rin ako.

Eh? Jacob? HAHA. Bat di kita napansin? Btw, tanghali ang gising.

Binato ko rin yung papel sa direksyon kanina.

Hanggang sa mahalata ni Mam yung papel.

"Ms. Reyes and Mr. Diliman? Anong ginagawa niyo?" *sigh* ayan na naman si mam. aish.

"Mam--Mam, wala lang po yun!" we said in chorus. as in, sabay pa kame!

"Get out of my disscussion NOW." galit si mam. lechugas!

...

"Uhmm... Sorry Pauline. Nadamay ka pa dito!" nakayuko siya.
"Ano ka ba? Ok lang yun. Nakakasora din naman yung Mam na yun e, sermon ng sermon. Magingay ka lang sandali, lalapitan ka na. Aish. Mas mabait pa nga dyan si Sir Cuevas e. Nakakasora."

Moment of silence! Nakakabingi naman.

***

Recess.

"Oy best, kwento ka nga! Sabihin mo, Kaibigan mo siya?" kupo, galit si best.
"Hmm.. Masama bang makipagkaibigan sa kanya? At saka best, kaibigan mo sya right? Bakit mo sya pinapahiya? Bakit wala naman akong naririnig na Jacob sa storya mo? Bakit ha? Bakit? Nahihiya kang may kaibigan kang nerd ganun? Alam mo best, masakit yun para sakanya, na mapahiya siya ng mga mahal niya sa buhay. Masakit yun! Kung ikaw kaya ganunin ko? Diba masakit para sayo? Pwes, lubayan mo si Jacob. Ala syang ginagawa sayo, kahit..

kaibigan pa kita.

Bigla na lang akong umalis nun. Alam ko umiiyak yung kaibigan ko, kaso mali pa rin yung ginagawa nya.

...

Jacob: Hay ang sarap ng hangin dito no? :)
Pauline: Ano lasa? (Ngumiti ako kaso peke.)
Jacob: May problema ka ba?
Pau: Ah, wala.
Jacob: Si Naomi ba? Magbabati rin kayo nun.
Pau: Bat mo naman nalaman?
Jacob: Wala lang. Kasi nasa mukha mo. Nagalit ka sa kanya dahil sa akin no?
Pau: Wala lng yun. Sguro nga, magbabati pa kami. Bigyan ko muna sya ng free time para magisip.
Jacob: Mag isip saan?
Pau: *sign* Ikaw, ang dami mong tanong. Tara na nga. Hahaha. :)
Jacob: Gusto mo libot tayo sa campus?
Pau: Pwede rin, 2 hrs. pa naman yung time ko e.
Jacob: tara na.
Pau: Thanks (kaso alam ko di niya yun narinig)

Pumunta muna kami sa Leisure Room.
(Cut)

Ang bilis tumakbo ni Jacob. Di ko mahabol.

Pau: Uy, jacob. Joke lang naman yun eh. Uy, sandale!

Habol habol ko si Jacob, di ko alam nahihilo ako at may bumangga sakin.

Unknown: Okay ka lang?
Pau: Sino ka ba ha? May hinahabol kasi akong kaibigan, bilis niyang tumakbo e.
Unknown: Bahala ka nga. Mas kailangan mo pa yung kaibigan mo kesa sa sarili mo. Nabangga ka na nga, tapos gusto mo pang hanapin yung kaibigan mo? Aish.
Pau: Bakit ba ha? Wala kang pake.
Unknown: (Aalis na siya kaso....)
Pau: ARAYYYYYY! Ang sakit! Ouch! Uy, Lalaking walang pangalan! Oy! Arayyyyyyy! Bingi ka ba? Sorry na knina kung napagsigawan kita! Patulong naman oh!

Biglang lumingon yung lalake.

Unknown: Ako ba?
Pau: Ay, hindi. Ako ako.
Please, pahelp.
Unknown: Sige, mamilosopo pa ha.
Pau: Masakit na. Uy, Siguro nung nag buhos si lord ng mga Gentleman, Tulog ka no?
Unknown: (Bumalik sa kinauupuan ni Pauline.)
Bumulong sya.
"Minsan kasi, wag tatanga tanga. Ayan ka na naman e."

Pau: Wait nga lang, ikaw ba yung kahapon? Nung nalate ako?
Unknown: Tss. Nothing.

***

Sa clinic.

"Psst. Uy, lalaking walang pangalan, thanks! :)" sabi ko.
"K." sabi niya. K lang sagot? Matanong nga pangalan.
"Hoy! Ano nga pala name mo?"
"Ako ba?"
"Ay hinde. Yung nurse. Aish. Tayo lang naman tao dito e."
"Pilosopo ka no? Lance pala."
"Yung name mo?" sabi ko
"Ay hindi. Hindi halata. Kaya nga Lance diba, pangalan?"
"Eh, gaya gaya. Ehh. Hahaha. Joke. Bat ba ang sungit sungit mo?"
"Eh, Bat ba ang daldal daldal mo?"
"Wala lang."
"Wala lang pala e." sabi niya.

Biglang may kumatok sa clinic.
Binuksan ni Lance yun.

"May bisita ka, alis na ko." sabi niya.
"Ah, sige. Salamat ulit. :)" ngumiti ako.
"Kay." tipid niyang sumagot no?

"Best! Im sorry!" si Naomi.
"Ikaw pala! Uhmmm.... Ok lang na yun. Di naman galit sayo si Jacob e. Naging makasarili lang ako."
"Hahaha. Tama na OA. Ok na ang lahat. Di kasi kita matiis. Boring kapag ala ka. Haha!"
"Oo nga e! :)"
"Oy, best. Sino nga pala yung lalaki na yun? Bf mo? Nako te. Aral muna ha."
"Ha? Nakabunggo ko lang kanina. Nagpatulong lang ako dun, pilay kasi ako e. Nahihilo pa ko nun. May hinahabol kasi ako, tapos napakabilis niya."
"Ikwento mo na lang kaya?"

*flashblack*

Ang bilis tumakbo ni Jacob. Di ko mahabol.

Pau: Uy, jacob. Joke lang naman yun eh. Uy, sandale!

Habol habol ko si Jacob, di ko alam nahihilo ako at may bumangga sakin.

Unknown: Okay ka lang?
Pau: Sino ka ba ha? May hinahabol kasi akong kaibigan, bilis niyang tumakbo e.
Unknown: Bahala ka nga. Mas kailangan mo pa yung kaibigan mo kesa sa sarili mo. Nabangga ka na nga, tapos gusto mo pang hanapin yung kaibigan mo? Aish.
Pau: Bakit ba ha? Wala kang pake.
Unknown: (Aalis na siya kaso....)
Pau: ARAYYYYYY! Ang sakit! Ouch! Uy, Lalaking walang pangalan! Oy! Arayyyyyyy! Bingi ka ba? Sorry na knina kung napagsigawan kita! Patulong naman oh!

Biglang lumingon yung lalake.

Unknown: Ako ba?
Pau: Ay, hindi. Ako ako.
Please, pahelp.
Unknown: Sige, mamilosopo pa ha.
Pau: Masakit na. Uy, Siguro nung nag buhos si lord ng mga Gentleman, Tulog ka no?
Unknown: (Bumalik sa kinauupuan ni Pauline.)
Bumulong sya.
"Minsan kasi, wag tatanga tanga. Ayan ka na naman e."

Pau: Wait nga lang, ikaw ba yung kahapon? Nung nalate ako?
Unknown: Tss. Nothing.

*end of flashblack*

Pau: Kasi nung umaga din nun, naglibot kami ni Jacob sa campus. Eh nakita niya yung Leisure Room, tapos nagkwento ako tungkol dun, tapos nagjoke lang naman ako, iniwan na ko. Anyway, saan kaya yun napadpad ngayon?
Naomi: Ayie! Si fafa lance! your savior!
Pau: Eh? savior savior mong kinakana dyan. Eh di dapat nandun pa rin ako, nahihilo at may pasa. Buti nga, gentleman pa kahit ang sungit sungit nya.
Naomi: I smell something fishy. :D
(At ngumiti ng nakakaloko)

...

Dismissal.

"Okey ka na bes?" tanong ng bes ko.
"Yup. Konting pilay lang naman yan e. Alam mo, kumain na lang tyo. :)"
"Sure!"

...

"Bes, si Mica Remember? Babalik na daw bukas." wow. si Mica? si bessy?
"Oh? Talaga? Isa pang gaga yun e."
"Oo nga, kumpleto na naman tayong mga Lukaret. Hahaha."

Nandito nga pala kami sa Burger King. Next destination is Dairy Queen. :)

"Kabusog naman. Sarap." habang hinihimas yung tiyan niya.
"Balik tayo dito w/ Mica. Hahaha. Grabe, sarap ng Blizzard. :)"

Umupo kami sa sasakyan namin. :) Kwentuhan time.

"Bes, kwento ka nga, tungkol kay.."
sabi ko.
"Kay Jacob? Uhmm.. Sige! Ok lang." iiyak na sya e. bat kapag Jacob ang topic, nangigilid na yung luha niya?

"*sigh* Diba nung 3rd year highschool pa lang tayo, sinabi ko sayo na may bf ako nun? Troy remember? Pinangalan ko lang na Troy yun, pero ang totoo nun, si Jacob yun. Sinabi ko rin din sa Barkada nun diba na isang gwapo, mabait, matangkad, maputi, gentleman si Troy diba? kaso ang sama ko. pero ang totoo niyan, may braces, may malaking salamin, at yung buhok niya, hati sa gitna. Oo, naging kami ni Jacob dati. pero, nung lumaon, niloko ko siya. Di ko sya minahal ng totoo. Kasi kayo nun, lahat may bf. Diba sabi niyo nun, ang walang bf, abnormal? Kaya pati panget, pinatulan ko, makasama ko lang kayo. Oo bes, napakasama kong tao no? Mapatawad kaya ako ni Jacob? Ano gagawin ko?"

"Aw. Di ako makapaniwala na gagawin mo yun. Pero meaning nun, di na kita bati. Ahmm.. malaki na tayo, college na tyo. Tayo na nga lang nagsasama, magkakagalit pa tyo, at saka matagal na yun diba? Edi magsorry ka na lang kay Jacob ngayon. Oras na para magbati kayo. Para maging close. Para matanggap mo syang ganun."
"Thanks bes. Bukas na bukas."

After nun, umuwi na kami.

No comments: